JESUS r0cKs!!!!!!

 .walang pasok noon,bakasyon. pumunta kaming mag-anak sa pinsan ni mama sa bacoor, cavite.  doon kasi kami palaging pumupunta tuwing walang  pasok (summer). wala  kaming ibang ginagawa na kapatid ko kundi maglaro at manood na t.v … pag-hapon naman lalabas ako at magbi-bike. wala lang ,iniikot ko lang ang buong subdivision. tapos pag may nakitang aso,uwi na ko (hehe).sina tito at tita ay member ng CFC (Couples for Christ), coordinator din sila ng YFC (Youth for Christ).

dito na mag-uumpisa ang totong kwento…

.yun nga, pinag-camp nila ako,kasi may camping muna bago ka magiging miyembro nito. 2 nights ang 3 days yun. masaya. noong unang araw , registration muna (3:00 – 5;00pm) . hindi ko alam kung saan ako pupunta. wala akong kakilala. sina tito naman kasi busy. tapos yun, nag-umpisa na , nag-welcome dance na muna yung mga datihan. inorient kami tapos diretso na sa Talk 1 (Gods plan and his plan for us). tapos nun, nag discussion group kami,nag share lang . then, dinner na pagkatapos. 🙂 sabay-sabay kaming lahat ng mga participants . pagkatapos nun diretso na ulit sa Talk 2 (Who is Jesus Christ to me?) ganun din pagkatapos discussion group ulit. may mga “facy” kasi kami,facilitator ba. si ate Me-ann. tapos noon nag fellowship na kami.then LIGHTS OFFFFF na, 11:00 na kasi nun.

.nung 2nd day, nag-wake up call na mga 5;00-7:00am, para gawin na namin yung mga personal necessities . then kumain na kami ng breakfast:). tapos talk 3 (Repentance, Faith, Healing, and forgiveness) natapos kami 11:00am naman,kya nag-lunch muna kami. pagkatapos kumain nag-practice na kami nung mga hillsongs. tapos nag-eucharist mass mga 3:00-4:00pm yun. then nag-practise kami nung ipre-present namin sa E-night 4:00-5:00. tapos talk 4 (receiving God’s gift) na. nalaman ko na, sobra pala talaga nating thankful.. tapos ulit nun nag-group worship na kami.. tapos dinner naman ulit 🙂 .. pag katapos mag-dinner pinasulat  kami ng mga team leader namin kung ano daw yung mga bagay na gusto naming baguhin, tapos sinunog namin yun. gumawa kasi kami ng bonfire. opening na din yun ng e-night (entertainment night) prenesent na namin yung mga kanya-kanya naming prenaktis. ako kasi sa dance group sumali. gusto ko sanang sumali sa band group kaso nga lang sa mga oras na yun hindi pa ako marunong tumugtog ng gitara o  kahit anong instrumento. 11:30pm na kami natapos nun, nagbigay pa kasi ng ilang announcements .. medyo nalungkot lang ako kasi last night nanamin yun. mamimiss ko sila ang mga bago kong brothers ang sisters.   kasi alam ko namang baka hindi ko na sila makita ulit. kasi nga tuwing bakasyon lang ako makakapunta ng cavite. at yun yung magiging dahilan kung bakit hindi ako magiging active sa YFC, at sobrang kinalungkot ko yun.sa 3rd day… pareho lang nag-wake up call pagkatapos nag-breakfast… tapos may amazing race sana kaso hindi na natuloy, kulang na daw kasi sa oras. tinuruan nalang nila kami ng iba pang hillsongs.(my favorite part of the camp 🙂 .

kantahan… bonding moments ba.

tapos… worship…

Talk 5 (Growing in the spirit and mission of YFC) , pagkatapos ng talk, nag-dedecation ceremony na .. may mga awards na ibinigay… (haha:) meron ako.. SHALL WE DANCE? ano  yun?.. parang recognition lang. 🙂

tapos lunch na…

tapos farewell na… 😦

dun, iyakan na..

nakakalungkot pala yun..

3 days lang naman kami nag-sama sama pero parang ang tagal na naming magkakakilala…

iba din nga talaga si Jesus gumawa  ng way ano?.. to find new friends especially to find him by soul and by heart.

pagkatos ng camp na yun. talagang maraming nag bago sa akin. hindi naman sa naging santo na ako. kundi sa mga maliliit na bagay lang. naging mas malapit ako kay Jesus. mas nakilala ko sya, dahil sa camp na yun.

kaso nga naging totoo yung iniisip ko ung last night na namin. hindi nga akko naging active.na-experience kong mag-worship mag-isa. nag-try akong mag-hanap ng YFC dito sa Bicol, pero hindi madali, wala akong nahanap.

mabuti nalang nakita ni ma’am Regidor yung YFC stiker ko sa i.d ko. eh, couples pala sya,di inaproach nya ako.

nabuhayan ako ng loob.

kaso…

hindi pa rin ako naging active…

ewan ko ba, parang maraming nakaharang..

pero hindi ko na masyadong ini-stress ang sarili ko..

basta alam kong PARA AKO KAY JESUS.

🙂 ❤ 🙂

 

2 thoughts on “JESUS r0cKs!!!!!!

  1. nice blog… and i’m glad YFC ka pala.. and ur proud to tell the story of your camp. isa ako sa pioneer ng yfc sa camsur… keep it up.

Leave a comment